Sino ang may karapatan sa isang tagapagkahulugan?
Kung hindi ka nakakaintindi sa sinasabi at hindi makapaliwanag kung ano ang iyong kailangan, may karapatan ka na magkaroon ng isang tagapagkahulugan sa wika na pipiliin mo. Ikaw ay may karapatan na magkaroon ng isang tagapagkahulugan kahit na ikaw ay nagsasalita ng wikang Norwegiano sa araw-araw na batayan.
Sino ang mag-o-order ng tagapagkahulugan?
Ang serbisyo ng kalusugan ay ang responsable sa pag-o-order ng kwalipikadong tagapagkahulugan.
Maaaring may kahirapan alamin kung ang isang tagapagkahulugan ba ay kailangan. Tanging ang tauhan ng kalusugan na pangunahing ang magtasa kung maging ang isang tagapagkahulugan ay kinakailangan. Maaari ka rin magsabi kung sa palagay mo ay kailangan ang tagapagkahulugan, halimbawa kung ikaw ay mag-book ng nakatakdang pagkikita. Maaari mo rin tawagan ang serbisyo ng kalusugan at hilingin sila na mag-book ng tagapagkahulugan sa iyong wika.
Ang mga tagapagkahulugan na on-screen o sa telepono ay minsan ang mabuting mapamimilian sa pagiging mayroong tagapagkahulugan na naroroon sa silid.
Ang Interpreters’ Act ay nagpapahayag na ang mga katawan sa publiko ay may tungkulin gumamit ng kwalipikadong mga tagapagkahulugan.
Sino ang makapagkahulugan?
Ang tagapagkahulugan ay dapat isang tao na nagkaroon ng pagsasanay bilang isang tagapagkahulugan.
Hindi maaari ang mga bata na gamitin bilang tagapagkahulugan. Ang ibang mga kamag-anak o mga tao na walang pagsasanay sa pagpakahulugan ay hindi rin maaaring gamitin sa halip ng isang kwalipikadong tagapagkahulugan.
Ano ang dapat mong tingnan kung gumagamit ng isang tagapagkahulugan?
Mahalaga na sabihin mo sa serbisyo ng kalusugan ang eksakto kung anong wika ang iyong mas gusto.
Kapag ang isang tagapagkahulugan ay binigyang utos na tutulong sa pag-uusap, mahalagang darating ka sa napagkasunduang oras. Kung hindi ka makakadalo sa napagkasunduang oras, dapat mong kanselahin nang hindi mababa sa 24 na oras nang pauna. Kung hindi, babayaran mo pa rin ang pagkonsulta. Partikular na mahalagang tandaan ito kung ang tagapagkahulugan ay ino-order.
Ano ba ang isang tagapagkahulugan at ano ang mga tungkulin ng tagapagkahulugan?
Ang tagapagkahulugan ay may tungkulin na pagkakumpidensyal at hindi dapat ipapaalam sa iba ang tungkol sa kung ano ang maging resulta sa pag-uusap na pinagpakahulugan.
Ang mga tagapagkahulugan ay ipagkahulugan lamang ang kung ano ang sinabi, hindi magbibigay ng payo o ipahayag ang kanilang sariling mga opinyon. Ang isang tagapagkahulugan ay dapat nasa gitna at hindi pumapanig sa kanino man.
Bilang isang pasyente, makipag-usap ka sa tauhan ng tagapag-alaga ng kalusugan. Lahat ng mga tanong ay dapat gayunpaman ay idirekta sa tauhan ng kalusugan, hindi sa tagapagkahulugan.
Sino ang magbabayad para sa tagapagkahulugan?
Ang tagapagkahulugan ay walang bayad para sa iyo bilang isang pasyente sa serbisyo ng kalusugan. Ang pagbubukod lamang ay kung ikaw ay pupunta sa dentista at kailangan mong magbayad sa paggagamot ng ngipin ng iyong sarili. Saka ikaw rin ang magbabayad para sa tagapagkahulugan.
Maaari kang magreklamo
Kung ikaw ay hindi kukuha ng tagapagkahulugan, kahit na sa palagay mo ay kailangan mo, maaari kang magreklamo sa institusyon na kung saan ikaw ay isang pasyente. Maaari ka rin magreklamo sa Administrador ng Estado sa iyong county, ang Ombudsman ng pasyente at user o ang Ombudsman ng pagkakapantay-pantay at diskriminasyon.
Kung hindi ka nasiyahan sa tagapagkahulugan, maaari kang magreklamo tungkol dito sa institusyon na kung saan ikaw ay isang pasyente.